Paano Ang Processing ng Housing Loan pag OFW?
Madalas maitanong sa akin ng ating mga kababayan na nagnanais kumuha ng sarili nilang bahay kung paano ang proseso kapag sila ay isang OFW. Actually, simple lng po ang proseso, as long na kayo po ay may kumpletong requirements, madali pa ang makakuha ng bahay kahit nasa abroad pa po kayo. Kadalasan, sa mga affordable house and lot, ginagamit ng ating mga kababayan ang kanilang privilege ng housing loan bilang isang miyembro ng Pag-IBIG. Ikaw ay qualified kumuha ng housing loan kung ikaw ay miyembro at nakapaghulog na ng kabuuang 24 months contribution sa Pag-IBIG. Kung ikaw ay kukuha ng bahay sa isang project selling kagaya ng mga ginagawang subdivision, ang isang advantage po nito ay si Developer na mismo ang magpaprocess ng iyong documents sa Pag-IBIG. Ang kaylangan na lng po ninyong gawin ay ang isubmit ang mga kaukulang requirements.
Sa ating mga kababayang OFW, isa po sa requirements ay ang copy ng inyong Job Contract, passport, valid IDs, mga general requirements katulad ng proof of billing, marriage certificate kung ikaw ay kasal, birth certificate at iba pa. Kung ikaw naman ay nasa abroad pa at gusto mo ng kumuha ng bahay, kinakailangan lng na mag assign ka ng iyong representative para sya ang mag asikaso ng mga dokumento at pipirma in your behalf. Mageexecute tyo ng Special Power of Attorney SPA, bilang katunayan na inoauthorize mo ang representative na pwedeng kamag anak o kapamilya.
Sa mga nagtatanong naman na sila ay hindi PagIBIG member, madali lng naman po ang magpamiyembro. Sa katunayan, pinapayagan na ni Pag-IBIG na maglumpsum payment ang bagong miyembro ng 24 months upang siya ay maqualify sa housing loan. Sa ganitong paraan, ay hindi na dahilan na hindi ka miyembro ng Pag-IBIG upang maghousing loan.
Kung talagang wala kang intensyon na magpamiyembro ng Pag-IBIG, pwede din naman ang Bank Financing. Sa bank financing mas maiksi nga lamang ang kanilang payment terms, meaning mas malaki ang monthly amortization at kung ganun mas malaki din ang required salary mo upang ikaw ay maapprove.
Kung In-House financing naman, bukod sa maximum of 10 years lng ang term, eh, doble naman ang interest ng iyong housing loan. Ito ay sa kadahilanang, hindi naman Financing institution si Developer bagkus ay sya ang nagbebenta. Sa madaling salita, hindi namin nirerekomenda ang In-house Financing.
I hope na ito pong article na to ay magbigay linaw sa inyong mga katanungan.
Kung kayo po ay may mga katanungan, itext, ichat or tawagan nyo po ang inyong lingkod.
Nagseserbisyo,
Ralf Roger C. Tagao
Certified Public Accountant
Licensed Real Estate Broker
0922.879.7968/0935.317.2057
No comments:
Post a Comment